Sunday, February 8, 2009

LIPAD

Ako’y may itatanong, okay lang ba sa yo?
Okay lang kung hindi mo kayang sagutin
Walang problema, ayos lang, promise!

Gusto ko lang naman sanang may kausap
Matagal na rin kasi akong parang pipi
Parang baliw, kausap lagi ang sarili

Mahirap, Oo mahirap nga pala talaga
Mabigat kung laging iisipin, Nakakahilo
Sana naman, matapos na, sana lang

Nakatali’t nakakulong pa rin ako
Hanggang kailan nga ba talaga ito?
Kung alam mo, text mo naman ako

Gusto kong lumipad na walang pangamba
Walang kinatatakutan pa, basta lipad lang
Lipad…lipad…lipad…

Ilang taon na nga ba ang lumipas?
Matagal-tagal na nga rin pala
Nagkaka-puti na nga ang buhok ko

My Photo
Name:
Location: United Arab Emirates

Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]