Mam, Ay Hab A Kwestyon! (part 1 of ????)
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matanong. Ang sabi nga sa isang patalastas na napanood ko sa TV dati, ang batang palatanong ay isang batang matalino. Ah, siguro nga, e di ibig sabihin, matalino din pala ako?(Kumulog at Kumidlat kahit hindi umuulan, Lumindol ng kaunti pero tumigil ng binawi ko ang mga sinabi ko, dahil hindi nga naman ako bata at lalong hindi rin matalino. hikhikhik.)
Ngunit sa panahong ito, hi-tech na ang lahat, kung my gusto kang malaman o merong katanungan, ang sabi nila 'i-Google mo na lang'. Ganyan lang kadaling hanapin ngayon ang kasagutan sa iyong malalaking kwestyon marks.
Pero, pero, pero, sa dinadami ba naman ng choices na pagpipilian sa Google, alin naman kaya doon ang tama? a basta, mas mabuti pa rin sigurong tanungin si Mam', parang search engine din yon, siguradong alam niya ang sagot. Pero teka, asan na ba si Mam'? Pasaway talaga.
Isa sa mga katanungan na hanggang ngayon ay magulo, malabo at minsay' blangko pa rin sa karamihan ay ang tungkol sa relihiyon. Oo, kahit siguro ikaw ay nagtataka rin kung bakit ang dami daming relihiyon at diyos sa mundo natin. Merong Christianity, Islam, Baha'i Faith, Hinduism, Taoism, Buddhism, Jainism, Sikhism, Judaism at akung ano ano pang mga 'isim' 'isim', marami pa yan, hindi ko lang alam ang iba. Hay naku saan na nga ba kasi si Mam'! Nag nosebleed tuloy ako. Ang nakakatawa, pati pala si Hudas ay merong na ring sarili niyang mga disipulo. Pati ang lokong si Hudas ay nagtatanong din siguro kung bakit meron siyang sariling relihiyon, sosyal di ba? Pero alam mo, para sa akin, si Hudas ay isang bayani. Opo isa po siyang bayani. Bakit kamo? Gusto mong malaman? Text mo na lang ako kung gusto mong malaman ang sagot.
Uhhhmm, kung marami ang relihiyon sa mundo, ibig sabihin marami ring diyos? Kung kunyaring ako'y isang Buddhist at nagdasal ng 3,567 na oras para manalo ng isang milyon sa lotto, kung saka-sakaling ako'y manalo, ibig bang sabihin ay si Buddha ang nag iisang diyos sa mundo dahil sinagot ang panalangin ko? Kung ako'y isang Taoists at nagdasal at nagpakabait ng 2,019 minutes para magka-syotang kamukha ni Ryu Ji Hye, kung sakaling pag gising ko sa umaga at katabi ko na siya, ibig bang sabihin, yun ang tamang relihiyon? Nakakahilo di ba?
Hay sadyang magulo ang mundo, medyo marami na rin akong na-research tungkol sa mga bagay na yan pero parang kulang pa rin ang kasagutan. Saan na ba kasi si Mam'? Siguro nagsimba para magka BF, pero mukhang ulyanin na yon a? A, siguro malakas ang pananampalataya niya, dati kasing madre yon. Eniwey, baka sabihin niyo kulto ako dahil sa mga pinagsasabi ko, hindi po, ang kulto po ay si Tom Cruise at hindi ako. Sadya lang sigurong parang karnabal ang takbo ng isipan ko.
Wala pa rin si Mam', pero may Facebook account yon kahit ulyanin na, naglalaro pa nga ng Evony yon, langhiya, level 76 pa ang hero niya, tameme ako sa kanya. Dahil hi-tech si Mam' siguradong mababasa niya ang mga katanungang ito. Ang problema, kung ilang years niya bago sagutin. hikhikhik.
Hangang dito na lang muna, at isang paalala lang, kung sakaling nababasa at naiintindihan mo itong mga sinulat ko, Congrats, siguradong isa kang tunay Pilipino! Kung may mga bumabagabag din sa iyong isipan, sulat mo na lang sa comment box at itanong natin kay Mam'.
Adios.